"I like DEAD END signs.. I think they're kind.. They at least have the decency to let you know you're going nowhere.."
~Bugs Bunny


OLD Blog | Multiply | Photo Blog | Pictures | Friendster | 18 Bday | 100 things about me

My Photo
Name:
Location: Cainta Rizal, NCR, Philippines

Women's Volleyball Varsity Player, Dancer, Cheerleader, Singer, LCPA / Parish Youth Ministry, Extrovert, Independent, Happy, Laughs Sarcastically, Chubby, Studious, Talks to herself, class joker, loves Hello Kitty, Music freak, plays PIU Exceed, Simple but outrageous, Active and dynamic, Decisive and haste but tends to regret, Attractive and affectionate to oneself, Strong mentality, Loves attention, Diplomatic, Consoling, friendly and solves people's problems, Brave and fearless, Adventurous, Loving and caring, Suave and generous, Usually have many friends, Enjoys to make love, Emotional, Stubborn, Hasty, Good memory, Moving, motivates oneself and others, Loves to travel and explore.

Sunday, September 10, 2006

**sigh**

Wala lang.. May naalala lang ako. Naglalaro kasi ako ng exceed, tapos saktong kakatapos lang niya sumayaw tapos turn ko na, nung pagkatapos kong sumayaw, tumapat ako sa electric fan para magpatuyo ng pawis tapos bigla niya akong nilapitan para alukin ng tubig.. Wala lang.. Nung mga oras kasing iyon, nasa state of shock ako kasi in the first place, nagulat ako at kinausap niya ako in personal, knowing na hindi kami nagkikibuan. Ang weird lang kasi, nung time na yun, saktong pagabot niya ng tubig sa bote ng c2 at pagsabi niya sa akin na "ubusin mo na to" parang anime na biglang flash back sa isip ko yung mga alaalang hanggang ngayon hindi ko parin magawang iwanan sa malayong lugar. Ang cute lang kasi, para akong yung may "pop-up balloon" sa ulo, yung sa comics.. hehe.. naalala ko lang bigla.. kasi galing kaming Sm North at Laguna ngayon, ayun.. while I was in the car, I was reminiscing those happy moments with him. Ang masaklap pa doon, pinipilit kong isipin si Frank pero, wala talaga.. parang nababad-trip lang ako. Ewan ko ba.. kahit naman papano, minahal ko rin yung lalaking yun, pero wala talaga akong naramdaman na "voltage".. *huh??* ahehe.. basta.. pero sabi nga ni Lou, pareho kaming may kasalanan kaya kami nagkakaganito. Lalo na ako, ako ang may pinakamalaking pagkakamali sa aming dalawa. The fact na niloloko ko yung sarili ko ay isang mahirap na pagsubok na para sa akin. pero hindi dahil sa tinapos ko na ay tumatakas ako sa mga pagkakamali ko, pero, ito lang ang magandang paraan dahil una sa lahat, kung talagang kami, kami! It's a matter of choice naman eh, I chose to be without him because I think he'll be more concentrated with his work and with his life without me. In fact, he has a life before I came.

Haii.. feeling ko wala nang problema, pero feeling ko hindi ako matahimik. Parang may gusto akong mangyari na hindi ko naman magawang mangyari dahil hindi ko naman pwedeng diktahan ang mga dapat mangyari sa akin. Grabe.. bat kasi ganun, pag nagmahal, nakakabobo.. pero ok lang, "during" the love ka lang naman nagiging bobo eh, pero "after" that, marami ka namang natutunan.. yun nga lang.. expect the unexpected when the moment comes the 2nd time around. (labo) ahehe.. anyway.. Sobrang gusto kong magka-world war ngayon.. ewan ko kung bakit.. gusto kong makasapi ang Pilipinas sa Soviet Union.. Tapos isa tayo sa mga magaling makipagdigma.. Nakikipagsapalaran para maibalik ang dating halaga ng piso... Para mabigyang katarungan ang paghihirap ng bansa.. Haii.. iba talaga pag impossible ka magisip.. One attitude ng isang martyr... Ang alam na ngang mali, pinipilit parin na tama. Alam na ngang niloloko, nagbubulagbulagan pa. Alam na ngang malungkot, pinamumukha mo pa yung sarili mo na masaya.. Ang labo na noh? Kasi halo-halo nasa isip ko ngayon.. kung anong lumabas sa isip ko, yun yung tina-type ko sa ever loving pc ko.. hehe.. Basta.. ang bottom line is.. mahal ko parin siya.. kahit may nasaktan akong iba at kahit may mahal siyang iba. *sabi ko na nga ba eh.. tototohanin ko parin yung pinangako ko sa kanya* pero bahala na ang kapalaran..

Maliban sa problema ko sa puso.. Medyo nakabawi naman ako ng saya pagdating sa studies. Nakabawi talaga ako sa mga grades ko.. And I'm really happy about it. Malaki ang itinaas ko this midterms compared nung prelims.. Ito, haggard nanaman ako this week kasi, sa 17 may play kaming papanoorin sa G4 para sa english.. Nervous system sa Anatomy.. Return Demo ng Handwashing, bedmaking(occupied/unoccupied), body mechanics, Range of Motion sa Health Care Lab namin.. tapos play sa Health Ethics at Oral recitation sa mandarin.. well.. kaya ko to.. medyo mas naging inspired kasi ako this midterms at ewan ko kung bakit.. dapat nga depressed ako dahil sa nangyayari sa amin ni Frank pero di ko alam bakit opposite ang nararamdaman ko... pero feeling ko alam ko kung bakit.. aking nalang yun hehe... Haii.. sana makapag-2nd sem pa ako.. at kung maaari.. maging alumni ng CEU.. Haii... Good luck sa akin..

Sige, antok na ako.. siya nga pala.. Help naman.. Tagal ko na hinahanap to eh, yung lyrics ng Complacence by Tomiko Van english version.. wala lang.. if someone can help me, it is highly appreciated.. hehe.. Thanks.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home